Network service ng Globe sa Masbate, Sorsogon at Southern Leyte naibalik na

Naibalik na ng Globe Telecom ang kanilang network service sa Masbate, Sorsogon at Southern Leyte na labis na napinsala ng Bagyong Ursula.

Ayon sa kumpanya, nagsagawa ang kanilang team ng “round-the- clock” operations para maayos ang mga cell site sa tatlong probinsya.

Pansamantala ring binigyan ang mga apektadong residente ng critical telecommunication services kasabay ng pananalasa ng nasabing bagyo.

TIniyak din ng kumpanya na ginagawa nila ang lahat ng aksyon para sa agarang pagsasaayos ng critical telecommunications services.

Read more...