Umano’y miyembro ng NPA SPARU, arestado sa Masbate

Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army Special Partisan Unit (NPA SPARU) sa Aroroy, Masbate araw ng Miyerkules.

Ayon kay Maj. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, nahuli si Junie Fabon alyas “Ka Ervin” sa itinalagang checkpoint ng pulisya sa Barangay Bangon bandang 2:30 ng hapon.

Si Fabon ay sinasabing miyembro ng NPA SPARU na nasa ilalim ng Larangan 1 ni Eddie Rosero o alyas “Ka Star” sa nasabing probinsya.

Nakuha ng mga otoridad kay Fabon ang isang caliber 45 na baril.

Read more...