Kiblawan, Davao del Sur nilindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Davao del Sur, Huwebes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 7 kilometers Southeast ng Kiblawan bandang 1:33 ng hapon.

May lalim ang lindol na 13 kilometers at tectonic ang dahilan.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity 2:
– Malungon, Sarangani

Intensity 1:
– Kidapawan City; Tupi, South Cotabato

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...