Mga sangay ng gobyerno, nakahanda na para tugunan ang mga biktima ng bagyong #UrsulaPH

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na nakahanda na ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na rumesponde sa mga pangangailangan ng mga nabiktima ng bagyong Ursula.

Pahayag ito ng Palasyo matapos humirit ang ilang local government officials ng ayuda mula sa national government.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, walang dapat na ipag-alala ang puibliko dahil nakalatag na ang plano ng pamahalaan para sa rehabilitasyon.

Hindi naman matukoy ni Panelo kung bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasalanta ng bagyong Ursula.

Matatandaang humigit kulang sa 10 katao na ang naiulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Ursula.

Read more...