Water level ng Angat dam sumampa na sa 199-meter level

By Dona Dominguez-Cargullo December 26, 2019 - 06:58 AM

Umabot na sa 199-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw ng Huwebes, December 26 ay nasa 199.40 meters na ang water level ng dam.

Mas mataas ito sa 198.80 meters na antas ng tubig nito kahapon,pero malayo pa sa 212 meters na normal high water level ng Angat dam.

Tumaas din ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 101.09 meters at 77.60 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Binga at Caliraya dams.

Habang nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams.

TAGS: Angat Dam, dam status, Inquirer News, la mesa dam, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer x, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, Angat Dam, dam status, Inquirer News, la mesa dam, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer x, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.