Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 193 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.
May lalim ang pagyanig na 10 kilometro.
Samantala, nakapagtala rin ng magnitude 3.5 na pagyanig sa layong walong kilometro Timog-Kanluran ng Kiblawan, Davao del Sur, kaninang ala-1:51.
May lalim itong 25 kilometro.
Ala-1:57 naman isang magnitude 3.2 na pagyanig ang naitala sa anim na kilometro Timog-Silangan ng Columbio, Sultan Kudarat.
May lalim naman itong 23 kilometro.
Muli namang nakapagtala ng magnitude 3.0 na lindol sa layong 150 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani, Davao Occidental, alas-2:12 ng madaling-araw.
May lalim itong 15 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.