9,300 pasahero sa Matnog Port nakabiyahe na

Pinayagan nang makapaglayag ang 9,300 pasahero na nastranded sa Matnog Port sa Sorsogon matapos manalasa ang Bagyong Ursula.

Inalis na ng Philippine Coast Guard ang no-sailing policy sa Matnog port hapon ng Miyerkules matapos alisin ang Sorsogon sa ilalim ng tropical cyclone wind signals.

Ayon kay PCG-Bicol (Matnog) sub-station commander Chief Petty Officer Nelson Jazo, nakapaglayag ang unang sasakyang pandagat patungong Allen, Samar bago mag-alas-7:00 ng gabi.

“The first trip was delayed because we waited for the vessels that sheltered in some parts of Masbate. The queueing is still a struggle for thousands of strandees,” ani Jazo.Pero ayon kay Jazo, marami sa mga pasahero ang mananatiling stranded ng ilang araw sa terminal dahil sa crowded na ticketing schedule.

Sa ngayon anya ay prayoridad ang mga bus at light vehicles dahil nagdadala rin ang mga ito ng pasahero.

Less priority naman ang tracking services at cargoes.

Bago magbalik ang operasyon, umabot sa 470 trucks, 92 buses at 471 kotse ang stranded sa terminal.

Mayroon ding 2,516 pasahero mula sa 38 bus, 58 trucks at dalawang light vehicles ang naghihintay sa mga bayan ng Irosin, Juban at Casiguran.

Samantala, aabot sa 2,318 pasahero ang stranded din sa mga terminal sa Albay, 134 sa Masbate at 110 sa Camarines Sur.

Read more...