M3.2 na lindol naitala sa Davao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Davao del Sur alas-10:11 ng gabi ng Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong siyam na kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Padada.

May lalim itong isang kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...