Bilang ng pasahero sa mga pantalan, umabot na sa 10,000

Umabot sa mahigit 10,000 ang bilang ng pasahero sa mga pantalan sa Araw ng Pasko.

Sa huling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa kabuuang 10,784 ang outbound passengers mula 6:01 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Miyerkules (December 25).

Pinakamaraming naitalang pasahero sa Northern Mindnao partikular sa Surigao del Norte, Misamis Occidental, Siargao, Agusan del Norte, Dinagat at Misamis Oriental na may 3,649 na pasahero.

Sumunod dito ang South Western Mindanao partikular sa bahagi ng Zamboanga, Basilan, Central Tawi-Tawi at Northern Tawi-Tawi na may 3,487 na pasahero.

Narito naman ang bilang ng pasahero sa iba pang pantalan sa bansa:
– Palawan – 500
– North Western Luzon – 485
– South Eastern Mindanao – 2,405
– North Eastern Luzon – 258

Pinayuhan naman ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga alituntun sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Read more...