Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, nag-landfall ang bagyo sa nasabing lugar bandang 1:00 ng hapon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 70 kilometers Southeast ng San Jose, Occidental Mindoro bandang 1:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas na hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 3:
– Romblon
– southern Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bongabong, Bansud, Pola, Socorro, Pinamalayan, Gloria)
– southern Occidental Mindoro (Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay, southern portion of Sablayan)
– Calamian Islands (Busuanga, Coron, Culion)
Signal no. 2:
– Batangas
– Marinduque
– nalalabing parte ng Oriental Mindoro
– nalalabing parte ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island, Masbate including Ticao at Burias Islands
– Cuyo Islands
– extreme northern portion ng mainland Palawan (Linapacan, El Nido, Taytay, Araceli)
– Capiz
– Aklan
– northern Antique (Caluya, Libertad, Pandan, Sebaste, Culasi, Tibiao, Barbaza, Laua-an, Caluya)
Signal no. 1:
– Bataan
– Metro Manila
– Rizal
– Cavite
– Laguna
– Camarines Sur
– Camarines Norte
– Albay
– nalalabing bahagi ng northern mainland Palawan (Dumaran, San Vicente, Roxas)
– Cagayancillo Islands
– Camarines Norte
– Camarines Sur, Quezon, Albay, Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands
– Northern Negros Occidental (Hinigaran, La Castellana, Pontevedra, La Carlota, San Enrique, Valladolid, Pulupandan, Bago, Murcia, Bacolod, Talisay, Salvador Benedicto, Silay, Enrique B. Magalona, Victorias, Manapla, Cadiz, Sagay, Escalante, Toboso, Calatrava)
– Iloilo
– Guimaras
– nalalabing parte ng Antique
Nauna nang nag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Eastern Samar (4:45, Martes ng hapon); Tacloban City, Leyte (7:30, Martes ng gabi); Cabucgayan, Biliran (9:15, Martes ng gabi); Gigantes Islands, Carles, Iloilo (2:30, Miyerkules ng madaling-araw), Ibajay, Aklan (8:40, Miyerkules ng umaga).
Sinabi pa ng weather bureau na nagdadala ang eyewall ng bagyo ng malakas na hangin at pag-ulan sa Caluya Islands.
Susunod na maaapektuhan ang southern portion ng Mindoro Provinces.
Dagdag pa ng PAGASA, makararanas ng occasional to frequent heavy na may intermittent intense rains sa Aklan, Antique, Capiz, Romblon, Calamian Islands, Cuyo Islands at Mindoro Provinces.