Suspensyon sa pagbiyahe ng mga sasakyang-pandagat sa Central at Southern Cebu, inalis na

Inalis na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang suspensyon sa operasyon ng mga sasakyang-pandagat sa Central at Southern Cebu.

Ito ay makaraang bumuti ang lagay ng panahon sa kabila ng Bagyong Ursula.

Maliban dito, maaari na ring bumiyahe ang mga sasakyang-pandagat sa Cebu at Bohol.

Samantala, nananatili namang suspendido ang pagbiyahe ng mga bangka sa northern Cebu.

Read more...