Ilang bahay nasunog sa Sta. Mesa Maynila

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sta. Mesa Maynila.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, nasunog ang mga kabahayan sa Barangay 625.

Katatapos lang mag-noche buena ng mga pamilya nang sumiklab ag apoy.

Wala namang nasugatan sa sunog at tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga ng napinsala ng mga ari-arian.

Nadamay din kasi ang isang tindahan sa lugar.

Pasado alas 2:00 na ng madaling araw nang naapula ang apoy.

Read more...