Nasawi sa lambanog sa Quezon umakyat na sa apat

Umakyat na sa apat ang naitalang nasawi sa bayan ng Canderlaria sa Quezon dahil sa pagkalason sa lambanog.

Nasawi alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules, Dec. 25 ang 54 anyos na si Fernando Aguilar na residente ng Barangay Sta. Catalina.

Ito ay matapos na limang araw na manatili sa Intensive Care Unit ng United Candelaria Doctors Hospital.

Kabilang si Fernando sa grupo ng mga nag-inuman ng lambanog sa Canderlaria noong December 19.

Ang kaniyang kapatid at anak ay nauna nang pumanaw din.

Habang ang isa pang nasawi ay isang 28 anyos na si Marvin Macatangay.

Read more...