Sa update mula sa Philippine Coast Guard (PCG), alas 4:00 ng umaga ng Miyerkules, December 25, umabot sa 25,122 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.
Ang mga stranded ay nasa mga pantalan sa Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Southern Tagalog, Northern Mindanao, Western Visayas at Southern Visayas.
Mayroon ding stranded na 2,700 rolling cargoes, 30 motorbancas, at 169 na mga barko.
Pinakamaraming stranded na pasahero sa Port of Matnog na umabot sa 10,847.
Suspendido ang biyahe ng mga barko sa mga lugar na apektado ng Typhoon Ursula.
MOST READ
LATEST STORIES