Sunog sumiklab sa palengke sa Narra, Palawan

Tinupok ng apoy ang palengke sa bayan ng Narra, Palawan.

Ayon kay Mayor Gerandy Danao, nagsimula ang sunog sa ratail section ng palengke sa North terminal alas 9:20 ng gabi ng Martes, Dec. 24.

Hindi pa tukoy ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy at natupok ang buong palengke lalo pa at mayroon lamang isang fire truck sa bayan.

Naideklarang under control ang sunog alas 10:42 ng gabi.

Read more...