Eksakto isang taon matapos maganap ang engwentro sa Mamasapano, Maguindanao, binigyang parangal na ang mga nasawing miyembro ng SAF 44.
Mismong si Pangulong Aquino ang naggawad ng parangal sa pamiya ng tinaguriang SAF 44 sa seremonya na idinaos sa Camp Crame sa Philippine National Police (PNP).
Kapwa binigyan ng posthumous award na ‘Medal of Valor’ sina PO2 Romeo Cempron at Chief Inspector Gednat Tabdi.
Ang nasabing parangal ang pinakamataas na pagkilalang ibinibigay ng PNP.
Si Christine Cempron na biyuda ni PO2 Cempron at si Leah Mefranum-Tabdi na biyudad ni Chief Insp. Tabdi kasama ang anak na si Gael ang tumanggap ng award mula sa pangulo.
Binigyan din ng Medalya ng Kabayanihan ang 42 pang miyembro ng SAF na nasawi.
Si Supt. Raymond Train na nakaligtas sa engkwentro ay tatanggap din ng Distinguished Conduct Medal sa isang pribadong seremonya.
Ang iba pang survivors sa Mamasapano encounter ay tatanggap ng Medalya ng Sugatang Magiting.