Pia Wurtzbach, nag-courtesy call kay Manila Mayor Joseph Estrada

FB Photo/Bb.Pilipinas (Official)
FB Photo/Bb.Pilipinas (Official)

Mainit ang naging pagsalubong ng mga empleyado ng Manila City Hall kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Maagang dumating si Wurtzbach sa quadrangle ng Manila City Hall para sa aktibidad.

Inalayan muna ng awit si Wurtzbach ng batang si Esang De Torres na sumali sa The Voice Kids. Inawit ni De Torres ang “Isang mundo, Isang awit” ni Leah Navarro.

Naging bahagi din ng aktibidad ang pagbibigay ng inspirational message ni Estrada.

Bilang regalo, binigyan ni Estrada ng pearl necklace si Wurtzbach.

Matapos ang courtesy call kay Estrada, magtutungo naman sa Senado si Wurtzbach para sa isa ring courtesy call na susundan na ng kaniyang parade mamayang alas 2:00 ng hapon.

Read more...