Christmas wish ng Palasyo kay Pangulong Duterte, malakas na pangangatawan

Malakas at malusog na pangangatawan.

Ito ang christmas wish ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Pasko.

Ayon kay Andanar, ngayong nangangahalati na sa termino ang pangulo, walang ibang hinahangad ang Palasyo kundi ang magandang kalusugan ng Punong Ehekutibo para magampanan ang kanyang trabaho.

Patuloy aniyang susuportahan ng Palasyo ang mga pagsusumikap ng pangulo na magkaroon ng kaunlaran at pagbabago ang buhay ng bawat Filipino.

“As we reach the halfway mark of your term, we will all continue to support you and be with you throughout, Mr. President, as we all want to continue the development and true change we have achieved so far for all Filipinos,” ani Andanar.

Hangad din ni Andanar na biyayaan pa ang pangulo at ang kanyang pamilya.

“On this Yuletide Season, I wish for you our beloved President, great blessings of good health and more strength so that you can continue to lead this administration and our nation. I also wish you and your family love, joy, peace, and prosperity; and all the happiness you all truly deserve,” dagdag ni Andanar.

Una rito, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na simple lamang ang pagdiriwang ng pangulo sa Pasko sa kanyang tahanan sa Davao City kasama ang kanyang pamilya.

Read more...