Paluan, Occidental Mindoro nilindol

Yumanig ang magnitude 3 na lindol sa Occidental Mindoro, Martes ng hapon (December 24).

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 6 kilometers Northwest ng Paluan bandang 4:07 ng hapon.

May lalim ang lindol sa 58 kilometers at tectonic ang dahilan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...