Makabuluhan at payapang Pasko, hiling nina Sen. Binay at Sen. Pangilinan

Sinabi ni Senator Nancy Binay na tunay na magiging makabuluhan ang pagdiriwang kung isasapuso at ibabahagi ang diwa ng Pasko.

Aniya, dahil sa mga kalamidad at sakuna, marami sa ating mga kababayan ang hindi kumpleto ang pamilya ngayon Kapaskuhan, may mga wala ng tirahan at walang makakain dahil naghihikahos.

Kayat makakabuti kung ang lahat ay magkakaroon ng bagong pag-asa sa pagsilang ng Panginoong Kristo.

Samantala, ibinahagi naman ni Sen. Francis Pangilinan ang mensahe ng awiting “Payapang Daigdig” na maaring mapagnilayan ngayong Kapaskuhan dahil nagbigay pag-asa ito sa mga nasalanta ng Ikalawang Digmaang Pandaidig.

Sa ngayon, ayon kay Pangilinan, nagpapatuloy ang pakikidigma ng ilang Filipino para magkaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan na may katarungan sa bansa.

Read more...