Ayon kay Cayetano, katunayan nito ang pag-host ng pamahalaang lungsod ng 2019 Metro Manila Film Festival o MMFF.
Sa isinagawang Parade of Stars, inihayag ng alkalde kasama ang iba pang mga lokal na opisyal ng lungsod na isinusulong nila ang paglago ng kultura sa buong bansa.
Kasama ni Cayetano sa pagdiriwang sina House Speaker Alan Peter Cayetano, Taguig Rep. Lani Mercado at MMDA Chairman Danny Lim.
Maituturing na pinakamahaba sa kasaysayan ng MMFF ang isinagawang parada ng mga artista ng walong kalahok na pelikula sa Christmas filmfest.
Pagdidiin din ni Cayetano, napakahalaga sa isang bansa ang paglago ng mga lokal na pamahalaan.
Ibinahagi nito na sa susunod na taon ay bubuksan nila ang Taguig Film Development Office.
Layo nito aniya na maitampok sa mga pelikula ang kanilang lungsod at makapagbigay trabaho sa kanyang mga kababayan.