Lima hinatulan ng parusang kamatayan kaugnay sa kaso ng pagpatay sa journalist na Jamal Khashoggi

Limang katao ang hinatulan ng parusang kamatayan dahl sa pagkasawi ng Saudi journalist na si Jamal Khashoggi.

Si Khashoggi na contributor ng Washington Post ay pinatay noong Oktubre 2018 habang nasa loob ng konsulada ng Istanbul sa SAudi Arabia.

Sa 11 akusado, 5 ang hinatulan ng kamatayan, 3 ang hiantulang makulong ng hanggang 24 na taon.

Habang ang iba pa, kabilang ang dalawang top aide ng SAudi crown prince ay pinawalang-sala.

Maari pa namang iapela ang naging hatol.

Ang 59 anyos na si Kashoggi ay pinatay at saka pingputol-putol ang katawan sa loob ng konsulada.

Pinaghihinalaang may kaugnayan ang Saudi Prince sa insidente.

Read more...