Sa monitong ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2019, mula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, December 24, 2019 umabot sa 8,746 ang naitalang bilang ng outbound passengers.
Pinakamaraming naitalang bumiyahe sa Northern Mindanao na umabot sa 6,477 na pasahero, partikular sa mga pantalan sa Misamis Occidental, Lanao Del Norte, at Misamis Oriental.
Narito ang mga lugar na nakapagtala ng mga pasahero:
Northern Mindanao – 6,477
• Misamis Occidental – 2,238
• Lanao del Norte – 3.200
• Misamis Oriental – 1,039
Central Visayas – 958
• Southern Cebu – 958
Southern Visayas – 875
• Negros Oriental – 875
South Eastern Mindanao – 411
• Gensan – 100
• Igacos -311
Western Visayas – 25
• Guimaras – 25
Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng coast guard sa mga pantalan sa bansa upang masiguro ang target na na zero maritime casualty o incident ngayong Christmas season.