Water level ng Angat dam nadagdagan sa magdamag

Muling nadagdagan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, Dec. 24 ay nasa 198.70 meters ang water level ng Angat.

Wala namang pagbabago sa water level ng La Mesa dam na nasa 77.60 meters. Habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 100.95.

Ang water level sa Ambuklao ay nadagdagan din sa magdamag.

Nabawasan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Habang wala ring pagbabago sa water level ng Binga dam.

Read more...