Ayon sa DOH, base sa ulat na nakarating sa kanila, halos 300 ang nadala sa mga pagamutan sa Metro Manila gaya ng Philippine General Hospital, East Avenue Medical Center, Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center at mayroon din sa Batangas Medical Center matapos malason sa lambanog sa Rizal, Laguna.
Nagtalaga na ng team ang DOH sa mga ospital para imonitor ang mga naapektuhang indibidwal.
Ang FDA naman ay nagpadala na ng regulatory inspectors sa Rizal, Laguna para kumulekta ng samples ng lambanog sa mga tindahan.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ang pagkakalason sa lambanog ay bunsod ng mataas na antas ng residual methanol na taglay nito.
Ani Duque, ang methanol ay dapat inihihiwalay o inaalis pagkataos ng distilling process dahil ang mataas na antas nito ay highly toxic sa tao.
Habang nagpapatuloy ang pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA), hinimok ni Duque ang publiko na iwasan na maging mapanuri sa mga binibili.
Mas Mabuti din aniyang iwasan na lang ang pag-inom ng alak sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.