Mga Pinoy sa Hong Kong pinag-iingat sa mga protestang isasagawa ng ilang araw

May protestang isasagawa sa Hong Kong sa magkakasunod na mga araw.

Sa abiso ng Consulate General of the Philippines sa Hong Kong, pinayuhan nito ang mga Pinoy doon, turista man o Overseas Filipino Workers (OFWs) na iwasan ang mga lugar na pagdarausan ng protesta.

Narito ang mga petsa at lugar kung saan magaganap ang mga protesta:

December 24: Mga shopping malls sa Sha Tin, Yuen Long, Tseung Kwan O, Tsim Sha Tsui, Mong Kok, Kowloon Bay, Kwun Tong, Causeway Bay, Central, Tai Koo

December 25: Wan Chai, Causeway Bay, Tsin Sha Tsui, MOng Kong, Sha Tin, Yuen Long, Central, mga shopping malls sa iba’t ibang distrito

December 26: Wan Chai, Causeway Bay, Tsin Sha Tsui, MOng Kong, Sha Tin, Yuen Long, Central, mga shopping malls sa iba’t ibang distrito

December 30: Victoria Park, Causeway Bay, Revenue Tower, Wan Chai

Pinayuhan ng konsulada ang lahat ng Pinoy na maging maingat at alerto sa mga biglaang demonstrasyon at flash rallies.

Kung walang importanteng gagawin sa labas ay mabuting manatili muna sa loob ng mga bahay.

Iwasan din ang magsuot ng damit na kulay puti o itim.

Para sa mga emergency assistance maaring tumawag sa konsulada sa +852 9155-4023

Read more...