2 patay sa buy-bust operation sa Bulacan

Patay ang dalawang hinihinalang drug personality sa ikinasang buy-bust operation sa San Jose del Monte, Bulacan araw ng Linggo.

Batay sa ulat, sinabi ni Bulacan police director Lt. Col. Emma Libunao na nagpaputok umano ng baril ang dalawang drug suspects laban sa pulisya sa Barangay Kaypian bandang 2:00 ng madaling-araw.

Kinilala ang dalawa na sina Penry Aristain at isang alyas “Randy.”

Kabilang ang dalawa sa drugs watch list ng pulisya.

Narekober ng mga otoridad ang 23 pakete ng hinihinalang shabu, isang 12-gauge shotgun at caliber 38 revolver.

Read more...