Si Solis-Reyes ang humawak ng kaso ukol sa malagim na Maguindanao massacre.
Sa isang press briefing, sinabi ni NCRPO acting director Brig. Gen. Debold Sinas, tuloy pa rin ang pagtatalaga ng seguridad para kay Solis-Reyes.
Ngunit, hindi na aniya ito marami at dalawa na lamang ang nakatalaga rito.
Maliban dito, sinabi ni Sinas na patuloy din ang deployment ng mga patrol car sa bisinidad ng bahay nito.
Matatandaang inilabas ni Judge Solis-Reyes ang desisyon sa karumal-dumal na krimen noong December 19 kung saan hinatulang guilty ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan kabilang sina Andal Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan at Anwar Ampatuan Sr..