Anne Curtis, pansamantalang mawawala sa ‘It’s Showtime’

Pansamantalang mawawala ang aktres na si Anne Curtis sa noontime show na ‘It’s Showtime.’

Ito ay para makatutok muna ang aktres sa kaniyang pagbubuntis at nalalapit na panganganak sa kanilang unang anank ni Erwan Heussaff.

Gamit ang kaniyang Twitter account, ibinahagi ni Anne sa kaniyang mga tagahanga na huling episode na muna nito sa program sa araw ng Lunes, December 23, bago mawala nang ilang buwan.

Isa aniya itong “bittersweet episode” para sa kaniya.

Gayunman, sinabi ni Anne alam niyang naiintindihan siya at masaya ang mga kasamahan sa trabaho at tagahanga sa panibagong yugto ng kaniyang buhay.

Mapapanood pa ang aktres sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “The Mall, The Merrier” kasama si Vice Ganda.

Read more...