NBI, iniimbestigahan ang serye ng pagsabog sa Mindanao

Nagsasagawa na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng imbestigasyon sa naganap na serye ng pagsabog sa Mindanao.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sinimulan na ng NBI ang ‘preliminary work’ sa insidente.

Samantala, tiniyak naman ng Palasyo ng Malakanyang sa publiko na tutugisin ang mga responsable sa pag-atake.

Hindi bababa sa 21 ang sugatan sa magkakasunod na pagsabog sa Cotabato at Maguindanao.

Read more...