Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, magandang regalo sa mga Filipino ang tigil-putukan ngayong holiday season.
Magandang pagkakataon din aniya ito at senyales para sa pagpapatuloy ng naudlot na usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng rebeldeng grupo.
Umapela rin ang kongresista kay Pangulong Duterte at sa mga peace negotiator ng dalawang panig na palaging isipin ang interes ng bansa at sambayanan sa kanilang mga ginagawang negosasyon.
Kasabay nito, nanawagan si Zarate sa GRP at NDFP na ipagpatuloy ang peace talks nang walang hinihinging kondisyon.
Iiral ang ceasefire mula 12:00 ng madaling araw ng December 23 hanggang 11:59 ng gabi ng January 7, 2020.