Survey na nagsabing karamihan sa mga Pinoy ay kuntento sa drug war, sampal sa mukha ng mga kritiko at ibang bansa – Palasyo

Inquirer file photo

Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 79 percent sa mga Filipino ang kuntento sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sampal sa mukha ang survey sa mga kritiko at mga taga-oposisyon na wala nang ibang hinangad kundi ang magpakalat ng kasinungalingan at pekeng balita dahil mismong ang taong bayan na ang nagsalita.

Sinabi pa ni Panelo na wake up call din ang naturang survey ng SWS sa ibang bansa at mga dayuhang grupo na bumabatikos sa anti-drug war campaign.

Dapat aniyang itigil na ng mga dayuhang grupo at indibidwal ang pagpapanggap na nababahala sa karapatang pantao sa Pilipinas dahil malinaw na pambabastos lamang ang kanilang ginagawa sa soberenya ng bansa.

“Once again, this is a loud and clear repudiation of the rambunctious political opposition and cantankerous detractors of President Rodrigo Roa [Duterte] and his Administration who continue to spread lies and fake narratives to taint the significant headways of the current government. This too shall serve as a wake-up call against foreign countries and entities to take their cue from the genuine sentiments of the Filipino people and cease from their continuous affront against our sovereign state with their pretended or feigned concern about human rights,” ani Panelo.

Read more...