Ito ay dalawang araw bago ang Pasko.
Sa huling tala ng Philippine Coast Guard, nasa kabuuang 83,862 ang outbound passengers mula 6:01 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Lunes (December 23).
Pinakamaraming naitalang pasahero sa Western Visayas partikular sa Antique, Aklan, Iloilo, Capiz at Guimaras na may 18,479 na pasahero.
Sumunod dito ang Southern Tagalog partikular sa bahagi ng Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon, Occidental Mindoro, Romblon at Northern Quezon na may 12,048 na pasahero.
Narito naman ang bilang ng pasahero sa iba pang pantalan sa bansa:
– National Capital Region – 3,229
– Central Visayas – 12,022
– South Western Mindanao – 4,880
– Palawan – 5,923
– North Western Luzon – 234
– South Eastern Mindanao – 2,910
– Bicol – 7,566
– Northern Mindanao – 6,364
– Eastern Visayas – 4,688
– North Eastern Luzon – 479
– Southern Visayas – 5,040
Pinayuhan naman ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga alituntun sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.