Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, pinapaalaahanan ng Palasyo ang publiko na suriin muna ang mga alak na bibilhin.
Dapat aniyang tignan kung rehistrado o aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga iinuming alak.
“We remind the public that they should always check whether their alcohol purchases, or any product that they consume for that matter, have been registered or approved by the Food and Drug Administration,” ani Panelo.
Ayon kay Panelo, dapat na maging mapanuri at maging maingat ang taong bayan lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.
“Prudence dictates that we should always be mindful of what we ingest, particularly during this is time of merrymaking,” sinabi pa ng kalihim.