DILG inatasan ang PNP na sundin ang ceasefire sa New People’s Army

INQUIRER FILE PHOTO
Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP) na respetuhin ang ceasefire sa New People’s Army (NPA).

Ito ay makaraang ipag-utos ni Pangulong Duterte ang “unilateral and reciprocal” ceasefre sa pagitan ng komunistang grupo at mga otoridad.

Ayon kay Año, inatasan na niya ang PNP na tumugon sa utos ng pangulo.

Bagaman may pahayag noon si Año na hindi niya irerekomenda ang casefire sa NPA, nasa prerogative aniya ng pangulo ang pagpapasya hinggil dito.

Ang holiday truce ay nagsimula Lunes )Dec. 23) ng hantinggabi at tatagal hanggang sa alas 11:59 ng gabi ng January 7, 2020.

Magandang oportunidad din ito ayon kay Año para ang mga sundalo ay makapag-celebrate naman ng Pasko kasama ang kanilang pamilya.

Read more...