LOOK: MMFF movie nina Coco Martin at Ai-Ai delas Alas may hiwalay na motorcade sa Maynila

Maliban sa Parade of the Stars na idinaos sa Taguig City araw ng linggo at nilahukan ng mga pelikulang tampok sa Metro Manila Film Festival ay may hiwalay na motorcade sa lungsod ng Maynila ang float ng pelikulang
“3Pol Trobol: Huli ka Balbon”.

Maagang dumating sa Manila City Hall sina Coco Martin at Ai-Ai Delas Alas para sa courtesy call kay Manila Mayor Isko Moreno.

Matapos ito ay sinamahan ni Moreno ang dalawa para sa motorcade ng float ng pelikula sa Maynila.

Dinaaanan ng motorcade ang Jones Bridge, New Binondo Chinatown at iba pang lansangan sa lungsod.

Read more...