Ito ay makaraang makumpleto na ang pagkakabit ng bagong riles mula sa istasyon ng Buendia hanggang Taft Avenue (Southbound) at mula istasyon ng Ayala hanggang Buendia (Northbound).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) umabot na sa 44 piraso ng Long-Welded Rails na may tig-180 metro ang haba ang nailatag na sa rail tracks ng MRT-3 mula nang sinimulan ang rail replacement activities gabi ng November 4, 2019.
Ang nasabing aktibidad ay ginagawa tuwing non-revenue hours o mga oras na walang biyahe ang MRT-3, mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling-araw.
Layunin ng pagpapalit-riles na maiwasan ang pagkakatagtag ng mga bagon habang ito ay nasa biyahe na isa sa tinuturing sanhi ng aberya sa operasyon.
Oras na maikabit ang libu-libong pirasong bagong riles, inaasahan na mas magiging mabilis ang takbo ng mga tren mula 30KPH hanggang 60KPH, dahilan upang mapaiksi ang waiting time at mas tumaas ang bilang ng pasahero na maaaring maserbisyuhan araw-araw.
Ang rail replacement activities ay target na matapos sa darating na Pebrero 2021.