Bagyong Ursula lalakas pa; Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 nakataas na sa ilang lugar

Lalakas pa ang Tropical storm Ursula at maaring umabot sa typhoon category.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 900 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Ayon sa PAGASA, bago ang pagtama sa kalupaan ng Eastern Visayas bukas ng tanghali o gabi ay lalakas pa ang bagyo at magiging Severe Tropical Storm.

Nakataas na ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa sumusunod na mga lugar:

– Eastern Samar
– Dinagat Islands
– insular municipalities of Surigao del Norte (Burgos, Sta. Monica, San Isidro, San Benito, Del Carmen, Pilar, Dapa, Gen. Luna, Socorro)

Narito naman ang rainfall outlook ng PAGASA para sa pag-ulang maidudulot ng bagyo sa susunod na mga araw:

Sa pagitan ng bukas (24 December) at Miyerkules (25 December): Moderate to heavy rains sa Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands, Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, Romblon, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at northern portions ng Cebu at Negros Occidental.

Light to moderate with intermittent heavy rains sa Quezon nalalabi pang bahagi ng Visayas, Bicol Region at Surigao del Norte.

Sa susunod na weather bulletin, maaring magtaas na rin ng signal number 1 sa Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at sa mainland ng Surigao del Norte.

Read more...