Pagbebenta ng lambanog bawal muna sa buong CALABARZON

Mahigpit na ipinag-utos ni Brig. Gen. Vicente Danao, direktor ng CALABARZON regional police office sa lahat ng police commanders nito sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na inspeksyunin ang lahat ng tindahan ng lambanog sa kanilang nasasakupan.

Ito ay matapos ang pagkasawi ng 8 katao at pagkakaospital ng daan-daang iba pa dahil sa pag-inom ng lambanog sa Laguna at Quezon.

Inatasan ni Danao ang mga police commanders sa buong Region 4-A na simula ngayong umaga ng Lunes, Dec, 23 ay puntahan ang lahat ng tindahan ng lambanog.

Ayon kay Danao, dapat ding ihinto muna ng mga store owner ang pagbebenta ng lambanog hangga’t walang naipalalabas na clearance ang Food and Drug Administration (FDA).

Kumuha na ng sample ng lambanog na ininom ng mga residente ng naapektuhan at ipasusuri ito sa FDA.

Read more...