Water level ng Angat dam sumampa na sa 198-meter level

Naabot na ng Angat dam ang 198-meter level matapos madagdagan ang antas ng tubig nito sa nakalipas na mga araw.

Sa update ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, Dec. 23 ay 198.60 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ilang metro pa ang layo nito sa normal high water level na 212 meters.

Samantala, ang Ipo dam ay bahagyang nabawasan ang water level na nasa 101.01 meters. Habang walang pagbabago sa water level ng ng La Mesa dam na 77.60 meters.

Nadagdagan din ang water level ng Ambuklao at Binga dams.

Habang nabawasan naman ang San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Read more...