Buluan, Maguindanao niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Buluan sa Maguindanao.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa layong 8 kilometers southeast ng Buluan, alas 5:22 ng umaga ng Lunes, Dec. 23.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim itong 23 kilometers.

Samatantala, alas 4:45 ng umaga ay tumama naman ang magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng Matanao sa Davao del Sur.

Ang sentro ng pagyanig ay naitala sa 15 kilometers northwest ng Matanao.

1 kilometer lang ang lalim ng pagyanig at tectonic din ang pinagmulan.

Kapwa hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.

Read more...