JUST IN: Bagyo sa Silangan ng Mindanao, pumasok na ng PAR; pinangalanang ‘#UrsulaPH’

(Updated) Pumasok na ngayong alas-5:00 ng umaga sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Silangan ng Mindanao at tinawag na Tropical Storm ‘Ursula’.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,000 kilometro Silangan ng Mindanao.

Taglay nito ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 65 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km kada oras

Kumikilos ito sa bilis na 20 km kada oras sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.

Ayon sa PAGASA, tinutumbok pa rin ng bagyo ang Eastern Visayas at ilang beses dadaan sa kalupaan bago lumabas ng Palawan.

Bukas, bisperas ng Pasko, posibleng makaranas na ng mga pag-ulan sa Eastern Visayas at Caraga region na direktang epekto ng bagyo.

Dahil sa pagpasok ng bagyo sa bansa, maglalabas na ng severe weather bulletins ang PAGASA simula ngayong alas-8:00 ng umaga.

Samantala, ngayong araw dahil sa umiiral na Easterlies ay pangkalahatang maalisangang panahon ang mararanasan sa buong bansa na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi.

Walang nakataas na gale warning saanmang baybaying-dagat ng bansa kaya’t ligtas pa ring makapaglalayag ang mga mangingisda.

Read more...