DOH: 2 sugatan sa paputok ilang araw bago ang pagsalubong sa 2020

File Photo

Sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang annual tally nito ng fireworks-related injuries bago ang pagsisimula ng 2020.

Sa pahayag ng kagawaran araw ng Linggo (Dec. 22), dalawa na ang naitalang nasugatan sa paputok.

Isang apat na taong gulang na babae mula sa Cagayan Valley ang nasugatan sa hindi pa tukoy na paputok at isang 23-anyos na lalaki mula sa Metro Manila naman ang nasaktan ng kwitis.

Agad na ginamot ang sugat ng dalawa at binigyan ng anti-tetanus at toxoid shots ayon sa DOH.

Ayon sa kagawaran, bumaba ng 67% ang fireworks-related injuries sa pagsalubong sa 2019 kumpara noong 2018 matapos ang Executive Order No. 28 ni Pangulong Duterte na naglilimita sa paggamit ng ilang paputok.

Read more...