Tricycle driver patay sa pamamaril sa Quezon City

Nasawi ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa Luzon Avenue, Brgy. Holy Spirit, Quezon City, Linggo ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Dondon Jacinto, na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at agad niyang ikinamatay.

Ayon sa pulisya, isang residente ang nakarinig ng putok ng baril na una’y inakala nitong pumutok na gulong.

Nakita na lamang umano nito na pagewang-gewang na ang minamanehong tricycle ng biktima.

Bumangga sa isang tindahan ang tricycle bago nahulog si Jacinto.

Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa krimen at tinitingnan kung konektado ito sa umano’y pagdrodroga at pagsusugal ng biktima.

Read more...