Ayon sa oil industry sources, higit piso ang posibleng madagdag sa diesel at kerosene o gaas habang posibleng wala namang paggalaw sa gasolina.
Maglalaro sa P1.10 hanggang P1.20 kada litro ang inaasahang taas-presyo sa diesel.
Ang presyo ng kada litro ng gaas ay posibleng madagdagan ng P1.00 hanggang P1.10.
Samantala, ang gasolina, posibleng hindi tumaas ang presyo o hindi kaya ay mabawasan ng hanggang P0.10 kada litro.
Ang taas-presyo sa diesel ay bunsod umano ng mas mataas na demand kaysa sa gasolina matapos ang kasunduan ng US at China gayundin ang tumaas na demand sa India.
Inaasahang mag-aanunsyo na ng oil price adjustments ang mga kumpanya ngayong Lunes.