M3.4 na lindol naitala sa Quezon

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Quezon alas-3:16 Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 76 kilometro Hilagang-Silangan ng Jomalig.

May lalim ang pagyanig na limang kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...