Malungkot na Pasko ang mararanasan ngayon ng 17,000 Angkas drivers at ng kanilang pamilya dahil sa pagkakawala ng kanilang kabuhayan.
Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto at aniya, nawalan ng saysay ang diwa ng Pasko na pagbibigayan.
Iginiit ng senador na napakalupit ng ginawa ng LTFRB sa libu-libong Angkas drivers at tila kawalan ng awa at malasakit ang nangyari.
Diin ni Recto, hindi matatawaran ang malaking tulong ng Angkas sa mga commuter na nais ng mas mabilis na paraan ng pampublikong transportasyon.
Sa palagay ng senador hindi na kailangan pang putulan ng ikinabubuhay ang mga Angkas drivers lalo na ay namuhunan na sila sa motorsiklo sa ngalan ng kompetisyon.
MOST READ
LATEST STORIES