House Speaker Cayetano lumamang sa survey ratings

Nahigitan pa ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa trust at approval ratings ang tatlong mas matataas na opisyal na gobyerno.

Nakakuha ng 80 percent approval rating si Cayetano at 76 percent trust rating sa December 3 survey ng Pulse Asia.

Ito ay pag-angat ng 16 at 14 porsiyento mula sa September survey.

Naangatan pa niya sina Pangulong Duterte, Vice President Leni Robredo at Senate President Tito Sotto.

Humataw sa survey ratings si Cayetano sa pag-upo niya bilang pinuno ng Kamara.

Kabilang sa mga nagawa sa Mababang Kapulungan ni Cayetano ang mabilis na pagpasa ng 2020 national budget at tax bill maging ang pangunguna sa hosting ng Pilipinas sa 30th SEA Games.

Read more...