Sen. Lacson nais pagtibayin ang National Building Code

Naghain ng panukalang batas si Senator Panfilo Lacson para maamyendahan ang National Building Code.

Ayon kay Lacson apat na dekada na ang batas at kailangan nang baguhin para umayon sa panahon.

Layon din ng hakbang ng senador na mapalakas ang building safety standards sa bansa.

Paliwanag ni Lacson, ito ay para mapaghandaan ang mga darating pang kalamidad gaya ng malalakas na lindol, mapaminsalang bagyo at baha.

Pangunahing layunin ng Senate Bill 1239 na isailalim sa masinsinang pag-araal ang 1977 National Building Code of the Philippines.

Sa obserbasyon ng senador, hindi na kaya ng mga gusali at establismento ang mga malalakas na pagyanig at mapaminsalang bagyo at baha kaya marami ang nasirang ari-arian, kagamitan at hindi rin naiwasang may magbuwis ng buhay.

Hiniling ni Lacson na magtulungan ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, sa pangunguna ng DPWH, at ang pribadong sektor para sa mas matatag na mga istraktura sa bansa.

Read more...