Kiblawan, Davao del Sur nilindol; Intensity 3, naramdaman sa Digos City

Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Kiblawan, Davao del Sur Linggo ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 5 kilometers Southwest ng Kiblawan bandang 3:39 ng hapon.

May lalim ang lindol na 23 kilometers at tectonic ang dahilan.

Bunsod nito, naitala ang intensity 3 sa Digos City.

Habang instrumental Intensities naman sa mga sumusunod:

Intensity 3:
– Kidapawan City

Intensity 2:
– Koronadal City
– Malungon, Sarangani
– Tupi, South Cotabato

Intensity 1:
– Alabel, Sarangani

Gayunman, walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...